✍️ Arts/Lit Martir

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Martir

O bakit ba madalas magpakatanga
Ng mga puso na ang nais lang ay lumigaya
Sumaya sa piling ng minamahal niya
At wala nang mahihiling pa.

Ngunit bakit nagkaganito?
Kaligayahang inaasam ay tila nabato?
Tuluyang nadudurog ang puso
Naniniwala sa pinanghahawakang pangako.

Ngayo'y patuloy na umaasa
Ang pusong naghahangad ng ligaya
Humihiling sa huling pagkakataon
Muli ay pagtagpuin ng panahon.

Masakit man isipin
Napakahirap mang tanggapin
Sa kagustuhang minamahal ay manatili
Nagagawang isakripisyo ang lahat, kahit na mali.

04/02/11
 
In love you must sacrifice if its worth it... But if your the only one is fighting for that relationship you must let it go...
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 1
    Replies
  • 621
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
PHC-Jenny16

Trending Topics

Online now

Members online
455
Guests online
3,837
Total visitors
4,292

Forum statistics

Threads
2,349,666
Posts
29,363,655
Members
1,091,256
Latest member
bolder
Back
Top