✍️ Arts/Lit Bakit ako lumilikha ng tula?

Status
Not open for further replies.

msstar

Forum Veteran
Lumikha ako ng Tula

Lumikha ako ng tula
Hindi lang upang mang-aliw at magpatawa
Ngunit upang isulat ang tunay na nadarama
Ng aking puso at ng aking kaluluwa.

Marahil maraming nagtataka
Kung bakit sa ganitong paraan ko pa idinaan,
Gagamit pa ng malalalim na salita
Masabi lamang ang tunay na nararamdaman.

Pinagsama-samang mga salita
Na siyang bumubuo ng isang tula
Gamit ang papel at plumang sandata,
Ako'y nakakapagsalita ng hindi gumagamit ng bunganga.

Kung mababasa ninyo ang mga ito
Makikilala ninyo kung sino talaga ako
Nawa'y sa pamamagitan ng mga tulang ito,
Maunawaan ninyo kung bakit ako ganito.

2011.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 10
    Replies
  • 1K
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
PHC-Jenny16

Trending Topics

Online now

Members online
801
Guests online
4,574
Total visitors
5,375

Forum statistics

Threads
2,349,704
Posts
29,363,805
Members
1,089,284
Latest member
Superapiang11
Back
Top