@God Jesus Accept God Jesus As Your Personal Savior And Healer And Follow To God My Lord God And Savior Amen God Bless God Loves you all Amen

Hebrews 10:27 But a certain fearful looking for of judgment and fiery indignation, which shall devour the adversaries. Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.

PRAYER OF ACCEPTANCE

Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Pangalan ng Inyong Anak na si Hesus, ako ay nagsusuko na ng buhay sa Inyo. Inaamin ko na ako ay makasalanan at patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa isip, sa salita at gawa.

Ako po ay nananampalataya Panginoong Hesus na Ikaw ay namatay sa Krus upang bayaran ang aking mga kasalanan, at muling binuhay ng Diyos para pagkalooban ako ng buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus binubuksan ko po ang aking puso at tinatanggap Kita ngayon Hesus bilang aking Panginoon at sarili kong Tagapagligtas. Banal na Espiritu ng Diyos, inaanyayahan Kita na pumasok sa aking puso, Kayo na po ang manahan at maghari sa buhay ko mula ngayon at magpakailanman.

Ituro Niyo po sa akin ang Iyong kalooban at simula po ngayon Ikaw na po ang aking susundin, at isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay jan sa langit. Maraming salamat po O Diyos sa Inyong kapatawaran, sa Pangalan Mo Hesus, Amen!
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 15
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Grangermiya

Trending Topics

Online now

Members online
367
Guests online
5,020
Total visitors
5,387

Forum statistics

Threads
2,349,170
Posts
29,360,954
Members
1,092,929
Latest member
RyvonBr
Back
Top