📖 Stories Pa basa po sa mga gusto tumulong sakin

mckoy11

Established
I am mac 36 yo, may asawa at isang anak, i'm working as a supervisor in a small company, for almost 17 years na kong nag tratrabaho pero wala naiipon, di ko rin nmn masisisi asawa ko kung di nya ako matulungan sa pag tratrabaho para makaipon kami. dahil sya nmn nag aalaga sa anak namin. for almost two decades na pagtratrabaho parang napapagod na ko na hindi kami umuusad. dagdag pa yung mga problema sa buhay, minsan mapapatanung ka nlng talaga "kung sino pa yung walang wala ikaw pa yung bibiyan ng mabigat na problema". pero di ko nmn sinisisi sa panginoon pagsubok samin to, kakayanin nmin. last january na operahan ang anak ko dahil meron syang Fibroadenoma sa mag kabilang ******, sobrang bigat samin nung nangyari dahil napakabata pa ng anak nmin, at masakit din sa bulsa nagka utang pa. sa mga nagdaang buwan unti unti nmn kami nakabangon kahit papaano. pero ngayong araw gumuho nnmn at di mapigilang lumuha, dahil may nakapa nnmn kaming bukol sa ****** nya. wala pang isang taon yung opera nya ma ooperahan nnmn ulit sya, sobrang nakakaiyak lalu na kung makikita mo yung anak mo na umiiyak at sasabihing ayaw na nya magpa opera dahil sa hirap na dinanas nya. napaka sakit sabi ko nlng sa panginoon bakit sa anak ko pa bakit di nlng sa akin binigay yung ganung karamdaman napaka bata pa nya. ang Fibroadenoma kasi sabi nung doc nya may chance daw talaga na bumalik kahit na operahan na. pero hangang kelan? naawa na ko sa anak ko :cry:.

kinapalan ko na at lumapit dito sa forum ng PHcorner baka sakali na may makatulong sakin kung papaano kumita ng extra income, gusto ko matuto at paghirapan para sa pagpapagamot ng anak ko.

maraming salamat po sa makakaunawa at makakaintindi.
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 15
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
mckoy11

New Topics

Trending Topics

Online now

Members online
1,044
Guests online
4,765
Total visitors
5,809

Forum statistics

Threads
2,348,448
Posts
29,358,988
Members
1,094,490
Latest member
Like_Mike
Back
Top