Hello po, baka po may makatulong. May biglang nagprompt sa akin na may nagupdate ng Apple ID account ko daw, coming from legit Apple email din. Chineck ko din at meron ngang account. Never pa ako nagkaroon ng Apple device at never pa ako gumawa ng Apple ID. Upon checking din sa gmail ko, wala ring ibang device na nakalogin siya bukod sa 2 phone ko lang. Matagal na ring naka-2FA at encrypt account ko. Tinatry ko idelete yung account pero naglagay sila ng security questions na naka-Chinese. Baka meron pong naka-encounter nang ganito at paano po gagawin, baka po kasi magamit ang details ko. Di ko rin kasi madelete yung gmail ko dahil personal at work email ko ito. Sana may makatulong.


