Init Ng Kalikasan

spike19

Solo_Palo_Arise
Contributor
Isang parusa ba ito o simpleng babala?
Ng mundong napagod sa ating mga pagkakasala.
Ang mga ilog na dating masigla at malalim,
Ngayo'y naging batong tuyo sa ilalim ng dilim.

Pilit nating inaapula ang apoy ng kapaligiran,
Gamit ang makinarya at huwad na kaalaman.
Ngunit ang kalikasan ay may sariling batas,
Na sisingil sa atin nang walang iniiwang bakas.

Matutong rumespeto sa hanging nag-aapoy,
Upang sa kinabukasan, buhay ay muling dumaloy.
Ang init na ito ay isang pait na leksyon,
Na tayo ay bisita lang sa mundong ating nasyon.
 
Para sa akin, hindi lahat ng nangyayari sa mundo ay simpleng pagkakataon lamang, dahil maraming bagay ang kayang planuhin at baguhin ng tao. Kung kaya nating gumawa ng teknolohiya upang makapunta sa ibang planeta at pinapangarap pa nating manirahan sa Mars, ibig sabihin, may kakayahan tayong mag-isip, magplano, at humanap ng paraan upang mabuhay sa ibang lugar. Kaya nakapagtataka kung bakit tila hindi natin kayang pangalagaan ang sarili nating mundo. Posible bang ang tinatawag na “Reset” ay may kaugnayan sa pagbabagong nais mangyari sa sistema ng pamumuhay ng tao? Hindi man natin mapatunayan na may planadong Reset na nagaganap, hindi maikakailang ang tao ay may malaking impluwensiya sa kalikasan at sa kinabukasan ng mundo. Kaya ang tanong ay hindi lamang kung ito ba ay parusa o babala, kundi kung may mga bagay bang nangyayari na dapat nating masusing pag-isipan. Kung kaya nating mangarap na manirahan sa Mars, bakit hindi natin gamitin ang ating talino at kakayahan upang iligtas at pangalagaan ang planetang matagal nang tahanan natin?
 

About this Thread

  • 5
    Replies
  • 110
    Views
  • 5
    Participants
Last reply from:
GoatPhomator666

New Topics

Trending Topics

Online now

Members online
1,243
Guests online
6,736
Total visitors
7,979

Forum statistics

Threads
2,351,364
Posts
29,371,287
Members
1,086,151
Latest member
dracula55432
Back
Top