Ano yung pinaka-miss niyo sa buhay bago naging uso ang smartphones?

Oo, parang ang sarap balikan ng panahon na masaya na ang maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan, magpunta sa bahay nila nang biglaan, maghabulan, at magkuwentuhan hanggang gumabi. Hindi kailangang laging may cellphone o internet para maging masaya.
 
Punta sa Ilog Manguha Ng Prutas Mangalakal maglaro Magsugal katulad ng Pasi tansing Kara Wala na Marunong maglaro mga Ngayon
 
Noon, inosente ako. Meron ako kapatid na lalake kasi so kung ano ang ginagawa ng lalake, ginagawa ko din dahil iyon ang nakikita ng mata ko in the early childhood days ko. Inosente talaga ako. Naglalaro ng basketball ang kapatid ko na lalake, naglalaro din ako ng basketball na kahit babae ako. Kapag nakikita ko ang mga uncle at pinsan ko na nagpopok-pok ng kahoy na meron martillo na hawak or meron naglalagare, kapag wala na sila ay sinusubukan ko mag-isa kung ano ang feeling. Inosente ako. Pati ang skateboard, meron nag eeskate, sinusubukan ko din. Iyon ang my childhood life ko kung saan in my childhood day is so innocent.

Pagkatapos nagkaroon ako na maraming alam as years go by at hindi na ako inosente since ipinagtuturo sa akin na ang lalake ay malakas. Ang babae ay mahina. Pagkatapos seperate-separate role pa na natutunan ko na it feels like na gusto ko bumalik sa pagka inosente para magkaroon ako ng harmonious relationship uli sa lalake. Siguro kapag inosente ako nang bata pa ako pagkatapos dala ko pa rin ngayon adulthood, siguro, hindi ko maiisip na meron separate gender role pala. Ang maiisip ko lang is enjoying my life and enjoy ako kung sino ako na walang label kung babae ba o lesbian. Yun ang gusto ko balikan.

Pasalamat sila, hindi ako naging lesbian. Hahaha. Although kabundik lang. Naisip ko lang, nah, social pressure lang kasi dahil ang mga tao sa society panay push ng push of what men and women should behave. Na-restrict lang kung baga kung ano ang assign role na lingid sa kaalaman natin na pwede pala tayo lumampas sa role natin dahil ika nga human is flexible. Hindi fixed.​
 
@ TS~ maswerte ang mga bata na naglalaro sa labas pero meron mga bata na hindi lumaki sa labas-labas ng bahay dahil pinipigilan ng magulang. Meron ganun. Tipong hindi pinapalabas sa bahay. Ayun. Siguro, mahilig lang siya sa basa-basa and siguro kung ãdül† siya ngayon, pwede niya etake advantage ang technology like online games at reading online po dahil hindi naman niya naranasan since a child na maglaro sa labas ng kalye. Doon siya sa online makakabawi lalo na kung meron disability. Stay at home lang talaga siya at puros online lang.​
 
@ TS~ actually, kahit noon pa, meron na tayo online kaya lang, ang alam ko parang pacman? Or yung tipong mario type? Meron nga family computer eh. Meron pa nga xbox pero lumang xbox. Tetris, meron pa nga dati. As in. Alam niyo ang larong pacman? Meron nga computer shop na per hour ata ang bayad kapag maglalaro ng games online and I think, ngayon, wala na. Naalala ko pa. Sobra. Yung mga sikat na mario, pacman, tetris, pagkatapos yung spaceship ba yun? Pagkatapos meron pang larong baseball on family computer.... alam niyo ba ang family computer? Oo. Ngayon, wala na. Napalitan na or na upgrade. Yun ang memory na naalala ko. Nostalgia kung baga.
​
Family Computer.webp

Naalala pa ba?​

​
 
Probably yung era ng radio dedications at song requests. Magte-text ka sa station para mag-request ng kanta or magpa-greet, tapos aabangan mo kung babasahin/ipplay ng DJ yung message/song mo on air.
 

About this Thread

  • 7
    Replies
  • 131
    Views
  • 6
    Participants
Last reply from:
C E S S

Trending Topics

Online now

Members online
1,088
Guests online
5,450
Total visitors
6,538

Forum statistics

Threads
2,348,985
Posts
29,360,165
Members
1,092,812
Latest member
Travi_s009
Back
Top