❓ Help Best business for Comercial property sa Subdivision?

darknight0909

Established
Good day po! Ask kolang If mag bubusiness kayo ano magandang business sa loob ng subdivision?
I'm thinking Sari sari store kaso ang dami na dito.

Salamat po!
 
Water Refilling...Try nyu muna kung anu yung kulang sa subdivision nyu...or anu yung mga problema ng subdivision nyu na kaya mung gawan ng solution (Service or Product)
 
Tubo ate kahit na wala kang benta may tubo ka pa den hahahhahah de char lang haha..

Kung subdivision yan kulang yan sa store or bigasan pang malakasan.. mas may roi ka sa bigas kasi yan ang 100% na kailangan ng tao
 
over saturated na kasi yng ganyan boss- dami na dito samin. pero thanks po
 
meron kaba nyan boss? kamusta naman kitaan ang possible problem sa cellphone tablet for rent?
Wala boss. Nasa remote are ako.. kaya di possible ang ganyan business. Simulan mo. Wag ka sumabay sa trend na meron sa inyu. Lalo na kung mi budget ka naman. Isabay mo bigasan etc. palagay ka lang cctv. Tas sa piso wifi mo connect mga unit mo at dun ka mag oras sa net connection. Para at least iwas sa sharing ng WiFi mo. Go wag matakot.
 
Noted boss. Salamatss
 
Kung gusto mong kumita sa subdivision, ibenta mo ang solusyon sa katamaran at pagod ng mga kapitbahay:

  • Tubig at Yelo: Kunin mo ang kontrata sa labas, ikaw ang mag-deliver sa pinto nila. Walang may gustong magbuhat ng 5-gallon container mula sa gate.
  • Drop-off Laundry: Makipag-partner sa laundry shop sa labas. Ikaw ang bagsakan sa loob ng village, may patong ka kada kilo.
  • Frozen & Marinated Packs: Tapa, tocino, siomai, at nuggets. I-post mo sa village GC tuwing 5:00 PM kung kailan tamad nang magluto ang mga galing sa trabaho.
  • Home-service Car/Motorcycle Wash: Pressure washer lang at extension cord. Lahat ng bahay may sasakyan, halos lahat tinatamad maglinis tuwing weekend.
  • Rush Printing / Parcel Drop-off: Pang-school project ng bata tuwing gabi at pang-print ng return waybill sa Shopee/Lazada.
 
About this Thread

  • 12
    Replies
  • 159
    Views
  • 8
    Participants
Last reply from:
buholbuhol

Online now

Members online
955
Guests online
4,615
Total visitors
5,570

Forum statistics

Threads
2,349,901
Posts
29,365,109
Members
1,089,402
Latest member
OXGEN
Back
Top