1. Lahat ng lending nagre-report sa CIC (Credit Information Corporation)
Si Home Credit, Skyro, Billease, Tala, etc. - lahat yan required ng batas mag-report sa CIC.
Pag hindi ka nagbayad kay Home Credit, magiging Negative Record / Bad Credit ka sa CIC.
2. Pag nag-apply ka kay Skyro, iche-check nila CIC report mo
Makikita ni Skyro: "Ah may active loan kay Home Credit, past due / written off / delinquent"
Result: Malaki chance na ma-decline ka kay Skyro. Lalo na kung malaki pa balance mo at matagal ka nang hindi nagbabayad.
3. Ano mangyayari kung hindi mo bayaran si Home Credit boss?
Tataas interest at penalty - yung 10K mo pwedeng maging 20K.
Ma-ba-blacklist ka - hindi lang sa Skyro, pati sa ibang bank, credit card, housing loan, auto loan - mahihirapan ka ma-approve.
Ibebenta sa collection agency - sila na mangungulit sayo araw-araw, pati contacts mo tatawagan.
Pwedeng kasuhan - lalo na kung malaki utang at may checke o may pinirmahan ka.