🕯️ Traditions Totoo ba ang afterlife?

Yes, totoo ang afterlife, bumabangon ang kaluluwa pag namatay ang isang tao, patuloy ang buhay sa kabilang buhay
 
ang katawang lupa namamatay, tapos humihiwalay ang kaluluwa na patuloy na nabubuhay kata may life afterlife
 
Ang mundo ay pansamatalang pahingahan lamang na tayo ay tutuloy sa kabilang buhay. Bagamat tayo pansamantala lamang dito. Maramaing bagay ang nangyayari, ang iba ay nakakalimut kung bakit tayo narito, anong dahilan at san ba talaga tayo tutuloy ng habang buhay.
 
Death is one of the few things every human being will encounter, yet none of us can claim complete, universally verified knowledge of what comes after it.

A little humility wouldn't hurt.
 
Sa totoo lang, hindi natin alam kung may afterlife, pero posible itong mayroon kahit wala pang matibay na ebidensiya. Gusto kong maniwala na may nagpapatuloy pagkatapos ng kamatayan, pero mas mahalagang maging tapat na wala pang nakakaalam ng buong katotohanan.
 
Oo. Sa akin, totoo ang afterlife. Hindi nga lang siya lugar. Mental state lang po siya. Ganito. Isipin na lang natin ang dream state po. Ganun po. Diba ang dreams natin ay meron good and bad dreams? Kapag lucid minsan or napaka-vivid or sobrang linaw, totoo na totoo na siya as in. Ganun po. The only difference is at least, nagigising pa ang tao pero kapag ang afterlife naman, ang heaven & hell, hindi na pwede magising.

...and so if hindi bias, ang ibig sabihin kung hindi lang one belief system ang tututukan, ang tututukan ay ang ibang bansa, ibang society, ibang culture & ibang beliefs din ay hindi sila magkakasimilar ng engkwentro ng afterlife after ng NDE or near-death experience. Hindi. Though universal ang heaven and hell, kung ano nakita nila, magkakaiba po.

Halimbawa, makikita ng iba ay white light without voice, ang iba ay Jesus, ang iba ay meron white light with voice and some, ang nakikita nila ay other spiritual figure sa other beliefs like Hindu, Buddhist and etc... meron pa nga "...big hand na nanggagrab from heaven" at ang hell, ganun din. Magkakaiba, but though magkakaiba, ang experience is same like similar feeling na terrified sila or takot na takot.

Meron pa nga experience from a man or woman na sobrang iba sa experience from other NDE. Example, meron silang other wonderful life sa other side katulad ng naggraduate raw, nakapag-asawa at nagkaroon ng anak. Oo nga! Then pagkagising ay nag grieve siya sobra dahil ang NDE is sobrang opposite pala in real life. Tapos ang NDE niya is 10 years ang feeling pero on earth, hindi pala 10 years.

Ganun.

Proof na yun na mental state po siya. Hindi siya literal na lugar. So kung ano ang deep rooted beliefs, plus ang cultural framework na nakamulatan.... iyon po ang lalabas sa afterlife either good or bad.​
 
Anyway, nagiging bias lang kapag inaangkin lang na tama o mabuti ang NDE nila. Example, meron iba na porke sa other beliefs ay naka-experience ng heaven, babansagin nila ng demon or deceived by Satan. Ang mostly na nag-iisip ng ganito is Abrahamic like Christian, Islam at Judaism. Lagi na lang sila. I mean lagi na lang ini-exclusive ang self or lagi nila sini-separate ang kanila self from others. Hindi nakakapagtaka kung bakit natawag ang Abrahamic na exclusivism in sociology terms.​
 
...pagkatapos ang ibang NDE naman is parallel reality naman ang kanila. Tipong another reality. Its like naglakad ka na sa bundok, nagtravel sa ibang bansa, nagbisita sa isang cottage and then, magising-gising ang tao na nasa hospital bed na siya or keyso nauntog ang ulo sa sahig dahil nadulas. Ang iba, feeling heaven sa tuktok ng bundok dahil malakas ang hangin, then magigising na lang na binibuhay-buhay na pala siya ng asawa niya dahil nagstop ang heartbeat daw. Ganun.​
 
Alam nyo po, etong tanong nyo, expected na talaga may sasagot ng MERON LIFE AFTER DEATH eh kase majority sa mga tao ay naniniwala sa tanong po ninyo. Pero sa tingin ko po ay mas gusto nyo ng solid na pruweba na meron talaga at paano or gusto nyo makita mismo ng dalawang mata nyo kung paano or ano ang mangyayari sa nais mong matuklasan.
 

Similar threads

About this Thread

  • 13
    Replies
  • 302
    Views
  • 12
    Participants
Last reply from:
mturaji

Online now

Members online
992
Guests online
8,138
Total visitors
9,130

Forum statistics

Threads
2,345,942
Posts
29,345,947
Members
1,101,150
Latest member
jodarrenc24
Back
Top