✍️ Arts/Lit Hanggang sa makalimutan mo...

Status
Not open for further replies.

cecania

Enthusiast
Sa tuwing aayawan ka ng mundo, dalawang daang beses kitang tatanggapin.

Sa bawat katapusang papatay sa'yo, tatlong daang beses kitang bubuhayin.

Lahat ng gagawin mong dulo, gagawin kong umpisa.

Lahat ng titigilan mong hangganan, papalitan ko ng simula.

Sa tuwing tatalikuran mo ang sarili, apat na daang beses kitang haharapin.

Sa bawat araw na pwede kong piliing umalis, limang daang beses kong pipiliing manatili.

Sa tuwing mas madali ang bumitaw, anim na daang beses akong kakapit.

Babalikan kita ng pitong daang beses, hanggang sa makalimutan mo kung ano'ng pakiramdam ng maiwan.

Hahawakan ko ang kamay mo ng walong daang beses.

Sasabihin sa 'yong "nandito lang ako, nandito lang ako" nang s'yam na daang ulit, hanggang sa makalimutan mo kung anong ibig sabihin ng salitang mag-isa.

(c)
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 975
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Hexori

New Topics

Trending Topics

Online now

Members online
714
Guests online
8,028
Total visitors
8,742

Forum statistics

Threads
2,348,062
Posts
29,356,782
Members
1,096,264
Latest member
markamboy1894
Back
Top