Akala mo gobyerno ang nagpapatakbo sa Pilipinas?
Pero sa likod ng bawat polisiya, may mga negosyanteng nakaupo sa mesa. Mga taong hindi mo naman binoto. Diyan umiikot ang tinatawag kong high table. Kung saan pera ang boto, at koneksyon ang batas.
Balik tayo sa Martial Law. Habang sinasabi ni Marcos Sr. na “Bagong Lipunan,” ang totoo, monopoly lang ‘yon. Ikinulong ang ekonomiya para sa mga cronies. Si Roberto Benedicto, kontrolado ang media at sugar exports. Si Danding Cojuangco, ginamit ang coconut levy funds na para sana sa mga magsasaka para bilhin ang San Miguel. Si Lucio Tan at Herminio Disini, nabigyan ng tax exemptions at mga government back deals. Lahat ng desisyon ng gobyerno, pabor sa negosyo.
Fast forward to EDSA. Akala mo nagbago? Hindi. Nagpalit lang ng apelyido ang mga nakaupo sa mesa. Sa panahon ng Aquino, lumakas ulit ang mga Cojuangco at Ayala. Kay Ramos, sinimulan ang privatization. Tubig, kuryente, telepono—lahat napunta sa elite families. MWSS privatization, legal sa papel, pero pabor sa iilan.
Pagsapit ng 2000s, Arroyo era, nandyan ang NBN-ZTE deal—government contracts kapalit ng commissions. Sa Duterte administration naman, biglang sumikat si Dennis Uy. Mula fuel business, pumasok sa telco at energy. Dito Telecom, Malampaya shares—parehong naaprubahan habang malapit siya sa Malacañang.
Ngayon kay Marcos Jr., tuloy-tuloy ang PPP deals—San Miguel, Meralco, MVP Group. Iba-ibang presidente, pero pare-parehong mga pangalan sa mesa.
Baka sabihin mo, “Eh, negosyo lang ‘yan, normal lang ‘yan.” Wala namang masama sa negosyo. Pero kapag negosyo na ang nagdidikta kung paano tatakbo ang gobyerno, ‘yun ang problema. Kasi dapat ang gobyerno umiikot sa tao, hindi sa tubo.
Oo, natural lang sa mayaman mag-invest. Pero kung sila na rin ang may hawak ng tubig, kuryente, media, at pagkain—ano pa bang choice ng mga mahihirap? Ganito gumagana ang high table: politiko ang mukha, tycoon ang nagpa-fund. Ang batas, sinusulat para protektahan ang negosyo. Ang media, ginagamit para linisin ang pangalan. Ang tao, ginagawang konsumer ng sarili niyang pagkaalipin.
Demokrasya raw, pero sa ilalim ng mesa, lahat may presyo. Kahit sinong presidente, laging may tycoon sa tabi. Marcos may cronies. Ramos may privatization partners. Duterte may Dennis Uy. Marcos Jr. may San Miguel at MVP. Lahat ‘yan, documented, kontrata ng gobyerno mismo.
Ito ang totoong sistema: ang tunay na gobyerno, hindi sa Malacañang, kundi sa boardroom. Kung gusto mong maintindihan ang kapangyarihan, alamin mo kung sino talaga ang naka upo sa mesa