Sa likod ng pawis, hirap at gising,
May isang likha, puso’y ibinuhos din.
Ngunit anong pait, anong hinagpis,
Kung iba ang umani ng dangal at papuri?
Hindi ka kumatok, hindi ka nagtanong,
Hiniram ang likha, tila ba'y 'yon ay donasyon.
Ni hindi binanggit kung sino ang may gawa,
Parang hangin lang — bigla kang nawala.
Ang malikhaing isip ay hindi laruan,
Hindi basta bagay na iyong paglaruan.
May puso’t diwa sa bawat salita,
Kaya’t ang pag-angkin ay tila pang-aalipusta.
Kung ikaw ay tunay na may paggalang,
Magpaalam muna bago gamitin ang daan.
Sapagkat ang gawang hindi iyo sa simula,
Ay di dapat inaangkin nang buong-buo’t basta-basta.