Cheating in School

Mali talaga ang cheating dahil ito ay isang anyo ng academic dishonesty, pero hindi maiiwasang may mga gagawa nito.

Output-based at competition-driven ang ating culture of learning. Ang halaga ng isang estudyante ay nakabatay sa mga pamantayan ng isang free-market economy, kung ikaw ba ay 'marketable' o 'profitable' na maaaring pagkakitaan ng mga kapitalista, batay sa academic standards na nagbibigay-diin sa metrics at quantity, sa halip na quality.

Sa madaling salita, ang edukasyon ay isang negosyo.

Bahala na kung may natutunan ka sa eskwelahan o wala; kung hindi ka pumasa sa mga Standard nila, wala kang halaga sa kanila. Kaya naman madalas napipilitan ang mga estudyante na mangdaya. Kaya idadaan nalang nila sa diskarte para makapagtapos.

Kung ang edukasyon ay malaya at makatao, abot-kaya, makabayan, scientific, at maka-masa, at kung ang layunin nito ay mapaunlad ang kritikal na pag-iisip ng mga kabataan tungo sa makabayang pag-unlad, hindi mapipilitang mandaya ang mga estudyante sa exam.

Hay.........
 
Tama paps, kahit ako nakapang gaya ako sa exam para mataas grades ko hahaha.

Pero sa nakikita ko ngayon, halos hirap na mga kabataan din, uso nga sa FB, mababa reading comprehension hahaha
 

About this Thread

  • 3
    Replies
  • 388
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
plhbg1

Online now

Members online
957
Guests online
5,184
Total visitors
6,141

Forum statistics

Threads
2,350,513
Posts
29,367,482
Members
1,087,723
Latest member
noir13610
Back
Top