Pinaghirapan?
Yan ang bagay na takot ako minsan o yung iba na mawala. Pinanganak tayo sa mundong ito na zero. Zero money, zero property, zero friends, zero achievements. Ang tanging mero lang tayo ay magulang o pamilya. Gigising sa umaga, hindi pwedeng wala kang gagawin buong araw. Tumunganga ka jan buong araw, wag ka gumalaw wala ka makukuha, magugutum ka, kakain ka, swerte mo kung laging nakaready pagkain mo kahit wala ka gawin. Ako wala ako gawin buong araw, hahanap ako pagkain sa lamesa tapos kakain ako pero dahil wala ako ginawa buong araw ay kagagalitan ako ng nanay minsan tatay ko. Sasabihin buong araw ka nakahilata tapos tatayu ka lang kapag gutom ka na. Ngayon balik tayo, pwede ba laging ganun na lang na may maririnig ka sa magulang mo? Syempre hindi, dapat pagtrabahuan mo yung pagkain kung gusto mo kumain. Siguro kung ayaw mo magtrabaho simple lang, ibalik mu sa lumikha ang bagay na binigay sayo (buhay) tutal wala ka naman ginagawa lagi. Ngayun kung gusto mo magpatuloy magtrabaho ka para makakain. Ngayon nagtrabaho ka, nakakain ka, nag ipon ka at bumili ng mga materyal na bagay na makakapagpasaya sayo. Ngayon yung mga bagay na pinagpaguran mo pano kung mawala yan okay ba sayo? Yung buhay mo binigay lang yan sayo kaya okay lang mawala e pano naman yung mga bagay na pinaghirapan mo okay lang din ba mawala ng ganun na lang?