๐Ÿ”’ Closed tive

Status
Not open for further replies.

mahalo

Enthusiast
๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ก๐š๐ฒ๐š๐  ๐ง๐  ๐ƒ๐ˆ๐‚๐“ ๐ฎ๐ค๐จ๐ฅ ๐ฌ๐š ๐‚๐ฒ๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ˆ๐ง๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐š ๐‡๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐‘๐ž๐ฉ๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ
Kinukumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nangyaring cybersecurity incident sa website ng House of Representatives (HOR) noong Linggo, ika-15 ng Oktubre 2023.
Agad tinanggal online ng HOR ang kanilang website upang mapigilan ang unauthorized access ng threat actor at kagyat nilang inireport ang insidente sa DICT โ€“ Philippine National Computer Emergency Response Team (CERT-PH).
Kaugnay nito, ang CERT-PH ay nagsasagawa ng imbestigasyon upang malaman kung may mga sensitibong impormasyon na nakuha ang threat actor na sangkot sa insidente.
Nagbigay rin ang CERT-PH ng mga rekomendasyon sa HOR IT Team upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap.
Nais ipaalam ng DICT sa publiko na ang mga security vulnerabilities ng HOR website ay mai-aayos at ito ay ibabalik online sa lalong madaling panahon.
Ang mga susunod na hakbang ng imbestigasyon, kabilang ang threat actor attribution at case build-up, ay isasagawa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center katulong ang mga law enforcement agencies.
Ang DICT ay nananatiling isang aktibong kaakibat ng mga ahensya ng gobyerno sa paggampan ng kanilang pangunahing responsibilidad na panatilihin ang seguridad at kaligtasan ng kanilang mga ICT systems at infrastructure mula sa mga cyber threats.
By:
Renato A. Paraiso
Assistant Secretary for Legal Affairs
DICT Spokesperson
pio@dict.gov.ph

1697434560534.webp
1697434547727.webp
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 444
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
mahalo

Online now

Members online
364
Guests online
12,404
Total visitors
12,768

Forum statistics

Threads
2,345,040
Posts
29,341,656
Members
1,104,674
Latest member
randolf07
Back
Top