✍️ Arts/Lit Subok Lang

Status
Not open for further replies.
D

Deleted member 2028535

Di sapat ang salita upang maipadama,
Ang pagsuyo na sadya pilit kumakawala.
Ngayo'y nangangatal sa pagbigkas bakit kaya,
Mahal kita aking sinta at wala nang iba pa.

Salamat sa tiwala't nabigyan ng pag-asa,
Puso ko'y kay saya, ang mahalin ka'y ganito pala.
Pangakong pakaingatan sa kahit anong paraan,
Mamahalin ka ng tapat, ngayon at kailan man.

Tayo ma'y magkalayo at tunay na mahirap,
Tanging halik mo lamang at yakap ang tanging pinapangarap.
Pakatatag ka mahal ko at pawiin ang pagkabahala,
Tayo ri'y magkakasama at ating iguguhit ang tadhana.



- Laong_Laan


Find Your Why.
LIVE INTENTIONALLY!
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 488
    Views
  • 2
    Participants
Last reply from:
Intoi

New Topics

Trending Topics

Online now

Members online
756
Guests online
3,919
Total visitors
4,675

Forum statistics

Threads
2,348,626
Posts
29,358,147
Members
1,094,606
Latest member
eggesxslkgkrkeokzj
Back
Top