He he. Sa tagal ko na sa mundo, ilang beses ko na rin yan narinig, pero simple lang ang sagot dyan kung i-relate mo sa isang matatag na korporasyon o business, in the general sense. Kung ang kumpanya ay may competitive advantage, above-average na pamamahala, at market leadership, may napakagandang pagkakataon na tumingin ka sa isang potensyal na malakas na opsyon para sa pamumuhunan. In the long run, mapapanatili mo yung patuloy na paggawa ng produkto, serbisyo sa customers at pagtangkilik nito, tamang pag-aalaga/pasweldo sa empleyado at kanilang pamilya, at patuloy na pag-unlad ng kumpanya. Yan lang!
Pero mahirap i-apply yan sa pangkasalukuyan istruktura sa pamunuan o pamahalaan ng isang "gobyerno" dahil sa samut-saring impluwensiya ng politika, partido, social media, global influence, atbp. sa loob at labas ng bansa, na mahirap kontrolin, malakas ang epekto sa tao at lipunan na hindi pantay-pantay ang antas ng kabuhayan, antas ng kaisipan/kaalaman ...na di maabot ng "galamay" nito. (Kita ninyo lang, nagsisiksikan pa rin ang karamihan sa Maynila kaya yung ibang lugar ay naiiwan.) Hindi ganoon kadali kahit sino pa ang umupo dahil nakadepende yan sa antas ng kaalaman nila at kakayahang isaayos at ipatupad yung dapat para umunlad yung sitwasyon ng bansa. Yung koopersayon din ng tao at private sector ang isang malaking factor - galit ka man sa gobyerno o hindi. Tanggapin na lang natin yung resulta ng eleksyon na pinili ng taumbayan and let them do their work. Wala naman tayong magagawa dyan para baguhin. (Sa akin lang, iilan lang yung pumasa sa "taste" ko pero wala akong magawa.)
Inaasahan ko lang, ang epektibong gobyerno nila ay dapat namumuhunan sa mga tao na sinasakupan nito, nagsusulong ng mga pagkakataon para sa kaunlaran, at naghahanap ng pagkakakitaan na kailangan upang suportahan ang mga pampublikong istruktura na sumusuporta sa paglago ng ekonomiya. Kasaman na rin dyan yung pag-utang (loans). Mahirap man tanggapin dahil sa pag-aalinlangan din sa mga ilang namumuno nito, dapat lang na magbigay din tayo ng tiwala dahil sila yung nakaupo. Bigyan natin sila ng panahon para ipakita yung kaya nilang gawin bago tayo maghusga.
Doon naman sa isyu ng kahirapan, ang paghanap kung ano ang sanhi ng kahirapan at paggamot sa kahirapan ay dalawang magkaibang dilemma. Dahil ang totoo, marami sa mga sanhi nito (salat na edukasyon, tirahan, pagkain, tubig, trabaho, sweldo, diskrimasyon, exposed sa calamities....na natural o man-made) ay maaaring umasa sa isa't isa, at walang madaling solusyon para masira ang cycle ng kahirapan. Ang tangi lamang magagawa ang lipunan ay maaaring gumawa ng mga hakbang sa pakikibaka laban dito. Ang dahilan ng kahirapan ng ating magsasaka sa rural areas ay dala ng "limited diversification at low productivity" sa pangkalahantang sangay ng agrikultura. Dahil wala silang proteksyon sa pamumuhunan ng pagtatanim karamihan ay nababaon sa utang dala na rin sa maliit na produksyon, maliit na kita dala ng murang presyo ng bigas sa merkado (para sa ating consumers), mga hindi inaasahang sakuna tulad ng bagyo o kaya ay "el nino" atbp. Sensitive na usapin ito na di makukuha sa isang upuan lamang.
Normal lang umangal, sumita at pumuna dahil kailangan yon. We have to be open to change - positive change. And it goes on and on. That is how we improve like we do in the workplace. I hope you understand what I mean.