🔒 Closed Nakaranas ka na ba ng hirap sa buhay? Ano ano ito?

Status
Not open for further replies.

Saint Sinner

мєℓαи¢нσℓι¢
Lahat tayo may mga pinagdadaanang mga problema sa buhay. Malaki man o maliit. Malala o simple lang. Problema is problema.
Anong klaseng mga paghihirap, challenges sa buhay ang naranasan mo na.

Ako, dati nung bata pa ako pag wala ulam, toyo at kalamansi lang ulam ko basta mainit yung kanin, nung college ako naglalakad ako ng 4-5 kilometro from home to school pag walang pamasahe, minsan ang baon ko monay na may peanut butter at tubig lang basta makapasok lang sa school.
 
Nun kabataan ko naubos savings ng parents ko dahil sa pambababae ng tatay ko kaya napilitan maaga nagtrabaho. Nasubukan ko maging kargador, tagahugas, tagalinis at wala pa child labor laws noon kaya nakakapagtrabaho ako. After college naman, dahil hirap makahanap ng work sa province eh nagpunta ako ng manila, yun pala mahirap din maghanap ng work. Tipong kada labas para mag-apply eh 100 agad ang gastos. Kaya sobra nagtipid ako at once a day lang kumain. Sa huli ayaw ng mga kumpanya sa probinsyanong graduate sa isang 3rd rate college kaya bumalik ako sa province namin. Sayang lang pera at panahon. Ganun pala sa manila sobra dami ng tao tapos polluted air. Katakot pa maglakad sa gabi. Iba pa rin talaga sa probinsya.
 
Ayan pre yung reyalidad.
 
Mahirap talaga ang buhay dito sa Manila. Akala ng ibang tga province na maganda dito at okay dito, di nila alam na siksikan dito, mdaming slums, uso ang krimen.. ganun tlaga need lang lakas ng loob at tyaga.

Ayan pre yung reyalidad.
Couldn't agree more.
 
Nun kabataan ko naubos savings ng parents ko dahil sa pambababae ng tatay ko kaya napilitan maaga nagtrabaho. Nasubukan ko maging kargador, tagahugas, tagalinis at wala pa child labor laws noon kaya nakakapagtrabaho ako. After college naman, dahil hirap makahanap ng work sa province eh nagpunta ako ng manila, yun pala mahirap din maghanap ng work. Tipong kada labas para mag-apply eh 100 agad ang gastos. Kaya sobra nagtipid ako at once a day lang kumain. Sa huli ayaw ng mga kumpanya sa probinsyanong graduate sa isang 3rd rate college kaya bumalik ako sa province namin. Sayang lang pera at panahon. Ganun pala sa manila sobra dami ng tao tapos polluted air. Katakot pa maglakad sa gabi. Iba pa rin talaga sa probinsya.
Oo mahirap talaga sa manila. dapat di ka lang basta graduate ng college pag sa manila ka para mas malaki ung chance mo matanggap sa work. pero legit yang "kada labas para mag-apply eh 100 agad ang gastos". swerte kapa 100 lang yung iba more than pa jan nagagastos daily wala naman napala.
 
Yung lagi ako tinutukso ng mga kaibigan ko na payatot pero hindi nila alam halos wala talaga akong makain. At tuwing class breaks, naasar sila sakin kasi bakit palagi gusto kong mapag isa pero ang totoo mag isa ako para kainin yung lunch ko na nag iisang biscuit.

Tapos kung nakakain man ako ng normal, hindi kaya ng katawan ko kaya sinusuka ko yung sobra kasi hindi ako sanay na mabusog ng ganun
 
Good for you TS, Atleast naranasan mo na ang hirap. ibig sabihin nan ituloy mo lang pangarap mo at maaabot mo din yung mga pangarap mo.
Salamat. Kaya nga subsob ako ngayon sa work dahil may pinagiipunan akong business in the future. :) Mahirap may boss, mas maganda pa rin talaga may sarili kang business, hawak mo oras mo, wala ka pang amo.
 
Elementary days palang ako nakapag asawa ulet ang mama ko, bale step father ko na yun. Nung una ang baet nya saken, tapos dumating na sa point na binubogbog na ako pinapalayas na ako. Ang dami nang masasakit na sinabe. Ilang years na ganun buhay ko. Emotional at Physical naapektuhan saken. Pati mama ko wala din paki alam e, mahal nya kasi yung lalake. Kaya hinahayaan nya nalang din.

Buti nalang at kinuha ako ng lola ko sa Cavite nung nag 1st year hs na ako. Kaya kapag nagka pamilya ako ayoko ng broken family, mamahalin ko din ang anak ko.
 
.. lahat tayo nakakaranas ng hirap ng buhay.. naranasan ko din mag.ulam ng asin pag wala kami ulam nung bata pako sa probinsya .. minsan nilagang saging na saba at kamote at mais lang kinakain namin nila mama. pero ngayon okay na work ko as security personell para mabili mga basic needs ng pamilya namin.. God is good..
 
Hindi kaya ng parents ko na pag aralin ako sa college so ipinasok nalang nila akong kasambahay.
Pero mabait ung naging amo ko so after 1 years na pagsisilbi koo sa kanila, nag decide ung amo ko na pag aralin ako kasabay ung anak nia. lahat ng expenses ko ay sagot ng amo ko,
Not to mention pati ung apartment namin ng anak nia.

Eka ng amo ko para daw may kasama ung anak nia pero deep inside hindi un ung reason na naramdaman ko, gusto lang talaga ako nila tulungan ng walang reason.

So very thankful talaga ako sa amo ko lalo na ngayon graduate and may stable job na ako.

Pagdadalaw ako doon after ng work ko sa office ay pinagsisilbihan ko sila hindi dahil sila ay amo ko at dahil tinuring ko na silang family.
 
Awww. inspiring naman. :) <3
 
yung tipong pati parents mo hindi sila bilib sayo. that shit hurts! like sobra!
tapos me favoritism pa among your siblings wala ka talaga. feeling mo ikaw yung outcast.
pag ganyan famm mo ay ewan ko nalang tlga.. GL ka tlga :(:(
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 21
    Replies
  • 1K
    Views
  • 9
    Participants
Last reply from:
Saint Sinner

Trending Topics

Online now

Members online
880
Guests online
782
Total visitors
1,662

Forum statistics

Threads
2,275,132
Posts
28,960,899
Members
1,232,634
Latest member
vcbcbcvbc
Back
Top