"Pain demands to be felt. Embrace sadness."
Mga katagang nabasa ko online at tinatak ko sa isip ko. Although sumasagi pa rin sa isip ko madalas yung mga bagay bagay na yan. Tinamad na ako gawin yung mga bagay na gusto ko lagi, gaya ng paglalaro ng mga online games. Pero may tinira pa rin ako sa mga hilig ko, manuod ng anime at yung pinaka mahalaga sa buhay ko ay yung musika tapos energy drink

. Nag invest ako sa saktong IEM lang, hindi ganun kamahal hindi rin ganun kamura pero quality naman. Minsan nga e, nagtatanong din ako sa sarili ko na, bakit sila merong kapareha? Tapos ako wala? Meron din naman, kaso yun nga sya yung nang-iwan at inintindi ko na lang. Then dumating din yung time na naghahanap ako ng mga kasagutan sa ibang tao, yung tipong parang sya yung magbibigay ng "pag-asa" or "panibagong pag-ibig". Pero yun nga, hindi rin naman ganun kadali maghanap lalo na kung sa online ka maghahanap. Hanggang sa isang araw naisip ko na,
"Hindi ko kailangan i-impress yung mga taong nakapaligid sa akin."
Panibagong self discovery na naman at tinigilan ko yung pag-aaksaya ng oras sa online para lang maghanap ng kung sinu sino man. Pero hindi ko pa rin tinigil yung mga hilig ko. Tinatak ko sa isip ko yang mga salitang yan. Parang "mind your own business ika nga".
So matanong kita, hanggang saan na ba yang galit mo? Napapaisip ka na minsan na gusto mong pumatay? Gusto mong patayin yung pinagmumulan ng galit mo? Kasi ako matagal ng sumasagi sa isip ko yan, pero hindi ko pa rin magawa gawa. Bakit? Kasi iniiisip ko yung mangyayari sa hinaharap. Hindi rin maganda gumawa ng mga bagay bagay na hindi mo lubos na pinagisipan. Isipin mo kung sino yung maapektuhan, ikaw ba o sila? Ikaw ba o yung maiiwan mo? Sino ang mga malulungkot? Malulungkot ba ang nanay mo kapag nalaman nya? Isipin mo, pinalaki ka ba nila para gawin mo lang yung mga bagay na yun? Kung hindi man sila maging malungkot sa pagkawala mo, for sure may isang tao dyan sa paligid mo na malulungkot kapag nawala ka.
Humingi ka ng tulong kahit kanino. Magpakonsulta ka or kausapin mo yung mga tropa mo o yung mga malapit na kaibigan mo. Kontrolin mo yung sarili at yung isip mo, pagisipang mong maigi. Siguro once na malampansan mo yung mga galit na yan, maliliwanagan ka din. Hindi sa lahat ng oras ay galit ka, lagi mong pagkakatandaan yan. Matutunang mong kontrolin ang iyong emosyon, yan lang ang susi dyan. Kapit lang, malalampasan din natin to.