maraming beses na ito nangyari sa akin. Yung huli kong nakaranasan ay yung sa dati kong kaibigan noong nakilala ko pa siya mga bata bata pa (9yrs old, pero mag 10 sa taong iyun) kahit siya dati ay sobrang close naman sakin, naging close ko naman rin siya at itinuturing kong parang kapatid ko na rin. Lahat din naman nang nagawa ko sa kanya ay laging mabuti, never pa nga akong bad influence sa kanya, hindi ko rin binully o sinaktan. halos parehas kami ng mga gusto sa buhay. kaya naging malapit lapit kaming dalawa. Hanggang noong mag 11 yrs old na siya, medyo nag iba yung pakikisama sakin, parang nararandaman ko na di na kami ganong close pero mas close pa siya sa ibang kaibigan niya (mas matanda rin sa kanya) pero nakikisama parin naman at niyaya pa nga ko gumala at mag bike lang sa village nila eh. Tapos itong pandemic, mas lalong nag iba na siya hanggang naging 12 yrs old na siya at puro CODM / games na ang hilig. Di naman ako nag lalaro niyan kaya ayun. Mas komportable at mas gusto na niya kasamang ibang kaibigan kahit di kasing edad niya. Nag iba na rin ang mga kinahihiligan niya, pati na rin ang pag tingin sakin mas malala kumpara sa mga nakaraang taon, hindi na niya ko pinapansin noong nag kita kaming muli sa village nila na iba na ang kasama niyang mag bisikleta. Tingin lang siya sakin at parang wala na na tumingin lang sa taong di kilala o kaano-ano. Dun ko na naisip na talagang tatalikuran ko na rin siya bilag kaibigan. Baka nga mag kalimutan na kami pag katapos nitong pandemya at balik normal na ang lahat. (Mag -13 na pala siya itong june. kaya simula na ng taong pagkakabinata baka nga talagang kalimutan na ako eh.)