Mga idol baka may problema kayo sa washing machine nyo na frontload na may basag na concrete block , hindi kasi ako makakita ng kapareho nag DIY na lang ako.
Tips:
Mga kailangan:
*1 balde na Buhangin na walang malalaking bato
Paraan:




Tips:
Mga kailangan:
*1 balde na Buhangin na walang malalaking bato
- Black cement half bucket ok na yun
- Kutsara panghalo ng semento
- Alambre or yung hanger ng damit na gawa sa alambre
- any pipe plastic , copper,ppr or kahit GI pipe na may 15 to 20mm ang size
- sponge
- Syempre yung lumang concrete blocks na nabasag
Paraan:
- Ilatag mo lang ang buhangin siguraduhin lang na kakasya ang kabuuan ng lumang concrete blocks (wag muna sisiksikin)
- Tapos ilatag naman ang lumang concrete blocks dapat pataob para MAHULMA ng tama pati yung mga anggulo ay dapat mahulma sa buhangin(dapat tama ang pagkaka-assemble ngbasag na blocks)
- Kapag napag dugtong mo na lahat ng nabasag na blocks tsaka mo ngayon siksikin ang buhangin at buhusan ng tubig loob at labas para masiksik ng husto at i level mo sa kaparehong kapal ng lumang blocks
- habang medyo nasisiksik ang buhangin habng basa itusok mo ngayon yung mga pipe na pinutol mga 7cm bawat isa sa parehong butas na daanan ng screw para may marka ka sa buhangin
- yan pwede mo na dahan -dahang bunutin ang lumang blocks make sure na di masisira ang huhulma at i chceck kung kapareho nung nabasag yung hulma sa buhangin, kapag ok na itusok mo naman yung mga pinutol na pipe sa parehong location or markings ng screw at maghalo ka na ng semento tapangan mo ng mas matigas pag natuyo at buhusan mo muna ang hulma hanggang mangahalati yung hulma.
- Ilagay ang alambre paikot pampatibay yan at di agad mag crackl
- i level mong mabuti at pagkalipas ng mga 40minutes bunutin mo na yung mga putol na pipe at kinisin mo na gamit ka ng sponge or kahit anong pangkinis at tapos nyan ay yaan mong matuyo ng 3days yung tuyong tuyo , mas maganda kung babasain mo ng tubig kada araw para tumibay ng husto ang halo.

