Closed BALATONG-ASO

Status
Not open for further replies.
J

Jeanh

1914703_970884949670220_8315860381196616484_n.jpg

BALATONG-ASO

KAALAMAN TUNGKOL SA BALATONG-ASO BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name: Cassia occidentalis Linn.; Senna occidentalis (L.)
Common name: Balatong-aso (Tagalog); Coffee senna (Ingles)

Ang balatong-aso ay isang halaman na may katamtamang taas na may bahagyang matigas na mga sanga. May bulaklak ito na kulay dilaw, at mga dahon na may matapang na amoy. Ang bunga ay pahaba at kahalintulad ng sampalok na puno ng maliliit na mga buto. Karaniwang tumutubo ito sa mga mababang lugar sa mga kabayanan sa buong bansa ngunit orihinal na nagmula sa kontinente ng Amerika. Sa ibang lugar, ang mga buto nito ay tinutusta at ginagawang kape.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BALATONG-ASO?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang balatong aso ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang buto ng balatong-aso ay may taglay na olein at margarine, tannic acid, sugar, starch, cellulose, water, calcium sulphate at phosphate, chrysophanic acid, malic acid, sodium chloride, magnesium sulphate, iron, at silica.
Ang mga tangkay ay may taglay naman na alkaloid.
Ang mga dahon ay makukuhanan din ng cathartin
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Ang buong halaman ng balatong-aso ay maaaring gamitin sa panggagamot.
Ang mga bahagi ng halaman ay karaniwang dinidikdik upang ipantapal o pinakukuluan upang mainom at maka-panggamot. Ang mga buto naman ay maaaring gawing inuming kape para rin makatulong sa paggaling.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BALATONG-ASO?
1. Gastroenteritis. Ang paghapdi ng sikmura dahil sa kondisyon ng gastroenteritis ay matutulungan din ng pag-inom sa pinaglagaan ng dahon at tangkay.
2. Tuklaw ng ahas. Kalimitang ginagamit ang dinikdik na dahon at mga tangkay ng balatong-aso para gamutin ang sugat ng tuklaw ng ahas.
3. Rayuma. Ang pinaglagaan ng halaman maaaring inumin para matulungan ang kondisyon ng rayuma.
4. Dysenteria. Ang malalang kaso ng dysenterya o pagtatae na may kasmaang dugo ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng halaman.
5. Gonorrhea (Tulo). Ang pinaglagaan ng ugat din ay mabisa para sa sakit na tulo. Dapat lamang itong inumin nang regular.
6. Eczema. Ang dinikdik na dahon ng balatong-aso ay maaaring ipantapal sa balat na apektado ng eczema.
7. Diabetes. Makatutulong naman sa kondisyon ng diabetes ang pag-inom ng tubig na pinagbabaran balat ng kahoy ng halaman.
8. Buni. Pinangpapahid din sa apektadong balat ang dinikdik na dahon ng halaman.
9. Pagtitibi. makatutulong naman sa hirap sa pagdumi ang pag-inom din ng pinaglagaan ng halamang balatong-aso


 
Did you know?

Web hosting is a service that allows organizations and individuals to post a website or web page onto the Internet. A web host, or web hosting service provider, is a business that provides the technologies and services needed for a website or webpage to be viewed on the Internet. Websites are hosted, or stored, on special computers called servers.

When Internet users want to view your website, all they need to do is type your website address or domain into their browser. Their computer will then connect to your server, and your webpages will be delivered to them through the browser.

When it comes to web hosting companies based on the number of hosted websites, GoDaddy has established itself as a clear market dominator. According to HostAdvice, GoDaddy has covered over 19% of the market, leaving a not-so-significant market share to other hosting providers such as Google Cloud Platform, 1&1, Amazon Web Services, and Cloudflare.

According to Builtwith, GoDaddy has also managed to become a world dominator when it comes to providing VPS web hosting. GoDaddy’s market share in this segment counts for over 23%, whereas its closest competitors, such as DreamHost and Digital Ocean, cover 1.46% and 1.23% of the market share, respectively.
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. Ano gamot sa tulo

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 1K
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
mirG

Trending Topics

Online now

Members online
394
Guests online
8,815
Total visitors
9,209

Forum statistics

Threads
2,057,859
Posts
27,656,505
Members
1,550,411
Latest member
Gr1m_
Back
Top